Add parallel Print Page Options

21 Kapag nanumpa siya sa templo, nanunumpa rin siya pati sa Dios na naninirahan doon. 22 At kapag nanumpa siya sa langit, nanunumpa rin siya pati sa trono ng Dios at sa Dios mismo na nakaupo roon.

23 “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu[a] ng inyong mga pampalasa,[b] ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:23 ikapu: sa Ingles, tenth o tithe.
  2. 23:23 pampalasa: Ang tatlong salitang ginamit sa Griego ay tumutukoy sa tatlong uri ng tanim na pampalasa sa pagkain.